Gulay
Gulay ang isa sa
mga madalas nating makikita sa pamilihan. halimabawa na lamang Petsay, sitaw, talong, kalabasa,
okra, kamatis, bawang, sibuyas at marami pang ibang klase ng gulay. Ang presyo
ng mga ito ay nakadepende sa dami, timbang at kalidad ng mga panindang
gulay. Ang mga ito ay pangunahing
pinagkukunan ng bitamina at mineral na kailangan ng ating katawan.
Karne
Ang karne ng manok,
baboy ay iba pang uri nito katulad ng longganisa, hotdog at iba pa ay ang mga
pangunahing pinagkukunan na protina na nagbibigay ng lakas sa ating katawan. Ang presyo nito ay depende
sa dami at timbang ng karne.
Isda
Ang isda ay pangunahing pinagkukunan din ng protina na nakakapagbigay ng lakas sa ating katawan. may ibat-ibang uri ng isda na makikita sa pamilihan katulad na lamang ng bangus, tilapia, lapu-lapu, galung-gong at maging ang lamang dagat tulad ng hipon, alimango, tahong at iba pa. ang presyo nito ay depende sa isda na itong bibilhin at kung gaano kadami ito.
Prutas
Makikita natin
ang mga sariwa at matatamis na prutas na nagbibigay sa ating lahat ng bitamina
at lakas na ating kailangan sa pang araw-araw. Ang mansanas, saging na saba,
peras at iba pa na madalas natin makita sa pamilihan. Ang presyo nito ay
nakadepende sa dami ng iyong bibilhin.
Niyog
Ang puno ng niyog
ay tinagurian "Puno ng Buhay" sapagkat marami ang mapapakinabangan
dito. Isa na rito ang bunga nito na niyog, kadalasang ginagamit na sangkap sa ibat ibang mga pagkain tulad ng pakbet, ginataang sayote at minsan ito ay kasama sa mga puto't kutsinta.
Bigas
Bigas ito ay hindi
mawawala sa ating hapag kainan dahil tayong mga pinoy ay mahilig sa kanin, dito
rin tayo kumukuha ng carbohydrates para sa lakas at enerhiya na kinakailangan
natin sa pang araw-araw. Ang presyo nito ay naka depende sa kalidad at kilo nito.
No comments:
Post a Comment